Hinikayat ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Katoliko na iwasan muna ang paggamit ng mga gadgets at internetbilang sakripisyo ngayong Kuwaresma.
Paglilinaw ni Boac, Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., na chairman din ng CBCP-Social Communications Ministry, ang kahulugan ng pagsasakripisyo at pagpepenitensiya sa Lenten season ay pagbabawas ng pagkahilig sa mga bagay na gustung-gustong gawin.
Kabilang aniya dito ang pag-iwas muna, bilang pagtitika, sa mga gadgets, electronic devices, at access sa social media upang mabawasan ang distraksyonsa panahon ng pagtalima sa pinakabanal na panahon ng taon.
Nagpahayag din ng paniniwala ang Obispo sa kahalagahan ng impormasyon, partikular na sa mga kabataan, gayunman, ang tunay aniyang mediation ay dapat na ituon sa Panginoong Hesus.
“Remind our youth that in sacrifice, we often see the strength to put something aside for reasons and now at Lent, it is important so that we could spend time to do more valuable things like praying which is a big thing for spiritual growth,” ayon pa kay Maralit, sa pahayag sa church-run Radyo Veritas.
Ikinalungkot din naman ng Obispo ang pagkalat ng fake news online na nagdudulot ng kalituhan at pagkakawatak-watak ng mamamayan.
Pinaalalahanan din niya ang mga magulang at mga nakatatanda na bantayan ang mga kabataan para hindsila mabiktima ng fake news.
“It's a good challenge to keep gadgets away for us to be able to reflect, that our lives are not based on gadgets, which I think will strengthen our young people, especially in relationships within the family and society,” aniya.
Sa pag-aaral na inilabas noong Pebrero 2021, karamihan sa mga Pinoy ay umuubos ng apat na oras at 15 minuto kada araw sa social media na mas mataas sa tatlong oras at 53 minuto noong 2020. Samantala, ang global average naman ay dalawang oras lamang at 25 minuto.