Mainit ang mga usapin tungkol sa naging pahayag ni Cavite solon Boying Remulla na "hakot at bayad" ang mga dumalo sa isang campaign rally noong Marso 4.

Kaugnay nito, nag-react na rin ang Kapamilya Actress at host na si Bianca Gonzales.

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1500371598645231621

"Bakit hirap ang iba na maniwala na sasadyain ng libu libong tao ang rally para suportahan ang tapat, mahusay, masipag at makataong lider nang walang kapalit na pera?" tweet ni Bianca nitong Linggo, Marso 6.

Nag-ugat ang pahayag na ito matapos sabihin ni Cavite 7th district Rep. Boying Remulla na may politikong nagbabayad ng P500 sa bawat umattend sa grand rally noong Biyernes, Marso 4.

Hindi naman niya binanggit kung sinong kandidato ngunit nitong Biyernes nagsagawa ng grand rally sa General Trias Cavite ang tandem nina presidential aspirant Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan na dinaluhan ng mahigit 45,000 na kakampinks o mga taga suporta nila.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/06/tig-%e2%82%b1500-boying-remulla-sinabing-hakot-at-bayad-ang-mga-dumalo-sa-isang-campaign-rally/?fbclid=IwAR03Aav2VJqs4y6lEZcjdBIsBLfftp0VQZRq9-_hKWLBP89DG0EiNuiKr3s" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/06/tig-%e2%82%b1500-boying-remulla-sinabing-hakot-at-bayad-ang-mga-dumalo-sa-isang-campaign-rally/

Gayunman, saad pa ni Bianca, "Paninindigan at pag-asa ang tawag dun, at di kailangan ng bayad."

Nauna na ring nag-react ang ABS-CBN scriptwriter, at nominee ng Kapamilya ng Manggagawang Pilipino party-list na si Jerry Gracio.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/06/jerry-gracio-kay-boying-remulla-malaking-insulto-sa-mga-caviteno-ang-sinabi-niya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/06/jerry-gracio-kay-boying-remulla-malaking-insulto-sa-mga-caviteno-ang-sinabi-niya/

Samantala, hiniling ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa mga tagasuporta nitong Linggo, Marso 6, na huwag magsawa sa pangangampanya para sa presidential aspirant kasunod ng mga alegasyon ng “hakot,” o ang pagbabayad ng mga tao para dumalo sa mga campaign rally, pagkatapos dumugin ang kanilang Cavite at Bulacan sorties.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/06/hakot-daw-vp-spox-sa-kakampinks-wag-kayong-magsawa-sa-peoples-campaign/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/06/hakot-daw-vp-spox-sa-kakampinks-wag-kayong-magsawa-sa-peoples-campaign/