Nasa 250 pamilyang katutubo na kabilang sa tribong Higaonon sa Northern Mindanao at rehiyon ng Caraga ang makikinabang sa programang Building Adequate, Livable, Affordable, and Inclusive Filipino communities (BALAI).

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA), limang proyektong pabahay ang itatayo para sa mga komunidad ng mga katutubo sa Mindanao, pagbabahagi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) noong Biyernes.

Kabilang sila sa mga indigenous people (IP) community na naalis sa impluwensya ng mga komunistang grupo.

Sa datos ni DHSUD Secretary Eduardo del Rosario, itatayo ang mga housing project sa mga baragay ng Kibanban, bayan ng Balingasag, at Minalwang, Claveria sa Misamis Oriental; Kamagong, Nasipit at Bokbokan, Las Nieves, Agusan Del Norte; Sinakungan, Esperanza, Agusan Del Sur.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

"The housing construction and land development are in line with the department’s mandate of providing Filipino families, most especially the underserved that includes IPs, access to decent, sustainable, resilient, and more affordable housing communities nationwide," ani del Rosario sa groundbreaking at inauguration ceremony ng proyekto na ibinahagi sa social media.

"IPs will not be duped into joining the terrorist groups. These projects will ensure the safety of our IPs, keep them away from harm both natural and man-made,” dagdag niya.

Ang bawat lokasyon ng pabahay ay magkakaroon ng tribal hall habang ang multipurpose covered court ay isasama sa Barangay Samay sa Balingasag, Misamis Oriental.

Sinabi ni Datu Cesar Asapon, ang IP Mandatory Representative ng Balingasag, na ang mga IP family ay mayroon na ngayong pagkakataon na mapabuti ang kanilang paraan ng pamumuhay.

"Naging isang hamon na ang mga IP ay karaniwang walang akses sa mga programa ng gobyerno, ngunit ngayon ay nagawa naming ayusin ang aming mga sarili at magawang makinabang kung ano ang inaalok ng gobyerno," aniya sa kanilang dayalekto.

Ang paglulunsad ng Pamalihi IP Village sa Sitio Eva, Barangay Samay ay dinaluhan din ni Philippine Army chief, Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., at mga opisyal ng National Housing Authority.

Ang DHSUD at ang local government units ay susuportahan ng iba't ibang stakeholders gaya ng 52nd Engineering Brigade ng Philippine Army, Technical Education, And Skills Development Authority, National Commission for Indigenous Peoples, at non-government organizations.

May mga housing projects din na inilunsad kamakailan para sa mga miyembro ng Dumagat tribes sa mga probinsya ng Aurora at Nueva Ecija.

Via PNA