Mahaharapsa kaso ng kapabayaan na humantong sa kamatayan at pagbibigay umano ng maling pahayagang limang kasama ng37-anyos na Thailand actress na si Nida "Tangmo" Patcharaveerapongsa isang speedboat kung saan nahulog ito sa ilog noong gabi ng Pebrero 24.
Sa ulat ng Bangkok Post nitong Marso 3, lahat ng kasama ng aktres noong gabi nang mangyari ang insidente ay mahaharap sa kaso ng kapabayaan na humantong sa kamatayan ng aktres at pagbibigay umano ng maling , ayon sa ulat ng mga pulis.
Naiulat na sakay si Tangmo ng isang speedboat kasama ang limang tao kabilang dito ang kanyang manager na si Idsarin "Gatick" Juthasuksawat; mga kaibigan na sina Nitas "Job" Kiratisoothisathorn, Wisapat "Sand" Manomairant at Phaibon "Robert" Trikanjananun; at may-ari ng speedboat na si Tanupat "Por" Lerttaweewit, patungo sila sa Rama VII Bridge sa Nonthaburi mula sa Krung Thon Bridge noong Pebrero 24.
Dakong 10:00 ng gabi, umupo sa likuran ng speedboat si Tangmo para umihi dahil sira umano ang banyo ng speedboat. Sa pagkakataong ito, nahulog umano ang aktres sa ilog.
Nakita umano ng kanyang manager ang pagkahulog ng aktres at tumawag umano ng tulong. Naiulat na dumating ang mga rescuers at nag-dive sa ilog upang hanapin ang aktres. Gayunman,nahirapan sila dahil sa malakas ang agos ng ilog at madilim.
Makalipas ang 38 oras, natagpuan ang bangkay ni Tangmo mahigit sa isang metro ang layo kung saan siya nahulog.
Kinasuhan na si Tanupatat Phaiboon dahil sa pag-o-operate ng 'di lisensyadong sasakyang-pandagat na nagresulta sa kapabayaan at pagkamatay ni Tangmo.
Sa ulat ng Thai PBS World nitong Marso 1, sinabi ni Police Lt. Gen. Jirapat Phumichit, commissioner ng Provincial Police Region 1, kinumpirma ng isinagawang forensic examination na namatay si Tangmo sa pagkalunod.Mayroong din malalim na sugat ang aktres sa kaliwang binti na posibleng sanhi ng propeller ng bangka.
Gayunman, hindi binanggit sa pagsusuri kung nagkaroon ng foul play sa kaso.
Nakitaan din ito ng buhangin sa baga nito, ipinaliwanag ng doktor na humihinga pa ang aktres nang mahulog ito sa ilog.
Isiniwalatdin ng pulisya na hindi sila naniniwala sa mga pahayag ng mga nakasama ni Tangmo sa bangka.
Ayon naman sa isang pathologist sa Institute of Forensic Medicine ng Police General Hospital, hindi nila makumpirma kung umihi ba muna si Tangmo bago ito malunod dahil matagal na umano ito sa ilalim ng dagat.
Nagsusupetsa ang ina ni Tangmo na si Panida Sirayutthayothin na posibleng may foul play sa pagkamatay ng kanyang anak.
SiNida "Tangmo" Patcharaveerapong ay sikat na TV at film actress sa Thailand.