Unang beses nangampanya ng kandidato ang veteran singer-actress na si Kuh Ledesma sa naganap na grand campaign rally ng Leni-Kiko tandem sa General Trias Cavite nitong Biyernes.

Isa si Kuh sa naiulat na higit 47,000 Kakampinks na buong puwersang nagpakita ng suporta kay Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo at Vice Presidential candidate Sen. Kiko Pangilingan sa General Trias Sports Complex.

“Tonight was an experience because it was my first time on VP Leni Robredo's campaign stage and in fact my first time to openly campaign for any candidate,” saad ni Kuh sa kanyang Facebook post, gabi ng Biyernes.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Larawan mula Kuh Ledesma via Facebook

Hindi rin nawala sa post ni Kuh ang mga kilalang online hashtag ng kampanya ni Robredo: #LetLeniLead, #KulayRosasAngBukas, #LeniKiko, #PeoplesCampaign.

Sa isang larawan, nakangiti pang inabutan ni Kuh ng bouquet ang presidential aspirant.

“Ma’am, I love you so much,” naiulat na saad ni Kuh sa bise-presidente.

Hindi natinag ang mga Kakampink sa Cavite at tila hinamon pa ang unang pahayag ni Cavite Governor Jonvic Remulla na isang “Marcos country” ang lalawigan.

Basahin: Sinoplak si Remulla? Libu-libong Kakampinks sa Cavite, full-force para sa Leni-Kiko tandem – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid