Inaasahang makukumpleto na ngayong katapusan ng Marso, 2022 ang pagtatayo ng unified grand central station o Common Station na nagdurugtong sa apat na railway lines sa Metro Manila.

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na mismong si Secretary Arthur Tugade ang nag-anunsyo nito matapos magsagawa ng site inspection sa North Avenue Common Station sa North Triangle, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City kamakailan.

Paliwanag ng DOTr, matapos ang mahigit 15-taon simula nang aprubahan ng National Economic and Development Authority-Investment Coordination Committee ang proyekto ay ngayon lamang natuloy ang naturang Common Station project.

Target na masimulan ang operasyon sa Hulyo 2022, ipinag-utos ni Tugade ang pagsisimula ng operasyon sa mas maagang petsa nang hindinaisasakripisyoang kalidad ng trabaho.

National

Babala ng Chinese embassy sa Chinese nationals: 'Public security in the Philippines has been unstable'

“I will henceforth, until my term ends, inspect and make sure that the electromechanical system will also be in place so that this Common Station – a long-time dream of the Filipino people – will come into reality. I hope it can be done during the term of President Mayor Rodrigo Roa Duterte,” pahayag pa ni Tugade.

Ang 13,700-square meter concourse area ang siyang magkokonekta sa apat na pangunahing railway lines sa Metro Manila, na kinabibilangan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), MRT-7 at ang Metro Manila Subway Project.

Sa sandaling maging operational, kaya umano ng Common Station na mag-accommodate ng halos 500,000 pasahero araw-araw.