ILOILO CITY—Dahil sa hindi niya lantarang pag-endorso sa presidential bid ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nagpasya ang isang kandidato sa pagka-konsehal ng bayan sa lalawigan ng Iloilo na kanselahin ang kanyang kandidatura.

“This cause transcends my political career as this election will have a big impact on the future of our children,” ani Jess Cordero Dimafiles.

Ang tatlong terminong dating konsehal ng bayan ng Barotac Nuevo ay tatakbo sana at maghahangad na mabawi ang kanyang puwesto sa ilalim ng Nacionalista Party (NP), na nag-eendorso kay Marcos.

Sa isang video statement na ipinost sa kanyang Facebook page noong Biyernes ng gabi, ipinaliwanag ni Dimafiles na dati siyang na-pressure ng lokal na pamunuan ng NP na suportahan ang kandidatura ni Marcos kahit na siya at ang kanyang pamilya ay kilala na sumusuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nauna nang nag-post si Dimafiles ng endorsement na pabor kay Marcos, ngunit tinanggal ito nang madismaya ang mga nakakakilala sa kanya.

Sinabi ni Dimafiles na hindi niya kayang panindigan ang pag-endorso kay Marcos mula nang mamulat siya bilang isang estudyante sa University of the Philippines (UP Visayas) sa mga pang-aabuso ng diktadurang Marcos.

Tinukoy din ni Dimafiles na ang kanyang sariling ama ay isa sa mga sumapi kay Evelio Javier, ang dating gobernador ng Antique na pinaslang, na kalauna’y ang kamatayan ang isa sa mga huling pasimula sa EDSA People Power Revolution noong 1986.

Si Dr. Ferj Biron, campaign manager para sa Uni-Team ng Marcos sa probinsya ng Iloilo at siya mismo ay naghahangad na mabawi ang puwesto sa kongreso sa ikaapat na distrito ng Iloilo, sa isang panayam sa radyo ng DYRI RMN Iloilo ay inamin niya na binalaan niya si Dimafiles .

Sinabi pa ni Biron kay Dimafiles na "magpasya" sa kung sino ang susuportahan kina Marcos at Robredo.

Nabatid din na ang mga campaign poster na may pangalan at larawan ni Dimafiles ay tinanggal na sa slate na pinamumunuan ng grupo ni Biron sa bayan ng Barotac Nuevo.

Tara Yap