Mahilig ka bang 'magsarili' o kaya'y 'mag-mariang-palad? P'wes narito ang mga dapat mong malaman ayon sa ulat ng mga eksperto.

Ayon sa website na plannedparenthood.org, ang masturbation ay ang paghawak sa sarili mong ari para sa sekswal na pagpapasigla at ito ay ganap na normal, at maaaring maging isang malusog na paraan upang malaman ang tungkol sa iyong katawan.

Iminumungkahi ng pag-aaral nina Katherine Haus at Ashley Thompson, taong 2019, na ang kasiyahan ng masturbation ay maaaring magdala ng iba't ibang benepisyo sa kalusugan, kabilang ang pag-alis ng stress, pagpapabuti ng mood, at pag-alis ng sakit, at pagbawas sa sakit dulot ng menstrual cramps.

Samantala, narito naman ang iba pang magandang dulot ng masturbation ayon sa McKinley Health Center sa University of Illinois:

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

• Nagpapagaan ng pre-menstrual tension para sa maraming kababaihan.

• Tumutulong sa mga kababaihan na matuto kung paano makamit ang orgasm.

• Tumutulong sa mga lalaki na pataasin ang kontrol ng ejaculatory at pamahalaan ang mabilis o naantalang bulalas.

• Nagbibigay ng malusog na sexual outlet para sa mga taong pinipiling umiwas sa pakikipagtalik sa kanilang partner o sa kasalukuyan ay walang available na mga kasosyong sekswal.

• Maaaring maging daan patungo sa mas ligtas na pakikipagtalik, upang makatulong na maiwasan ang pagbubuntis at mga impeksiyon na nakukuha sa pakikipagtalik, kabilang ang HIV.

• Nagbibigay-daan para sa kasiyahang sekswal para sa mga hindi pa handang makipagtalik sa vaginal, anal, o oral.

• Nagpapataas ng daloy ng dugo sa genital region, na makakatulong sa pangkalahatang sekswal na paggana.

Kaugnay pa rito, may mga lumang pananaliksik na nag-uugnay sa orgasm at sa pagtaas ng immune function.

May mga lumang pananaliksik rin na nagsasabi na naiuugnay ang orgasm sa pagtaas ng immune function.

Noong 2004, natuklasan ng isang pag-aaral ng 11 kalalakihan na ang sexual arousal at orgasms ay nag-aactivate ng mga bahagi ng immune system.

Kahit na ang pag-aaral ay napakaliit, natuklasan ng mga mananaliksik na ang masturbation ay nagpapataas ng tinatawag na leukocytes (mga puting cell ng dugo) at mga natural na killer cell. Parehong nilalabanan ng mga ito ang impeksyon bilang bahagi ng immune response ng katawan.

Si Jennifer Berman, MD, isang eksperto sa kalusugang sekswal, ay nagsasaad din na ang pananaliksik ay nakatuon sa karanasan ng lalaki, at ang sekswal na pagpukaw ay maaaring makaapekto sa katawan ng kababaihan sa ibang paraan.

Ngunit sa pangkalahatan, ang orgasm — may kapareha man o wala — ay may iba pang kilalang benepisyo sa kalusugan.

"There are no harmful side effects of masturbation," paalala ng McKinley Health Center.