Mukhang time out muna sa seryosong usaping politikal si presidential aspirant at Senador Ping Lacson, matapos niyang game na sagutin ang mga tanong ng netizen sa kaniya, kung ano nga ba ang skin care routine niya.

Marami raw kasi ang nakakapansin na parang young-looking ang senador at 'fresh'.

"Sa mga nagtatanong ng aking skin care routine: Frequent facial wash and cleansing lang. No secret creams, no facial treatment and definitely no botox," saad ni Lacson nitong Marso 4, 2022.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Screengrab mula sa FB/Ping Lacson

Marami naman sa mga netizen ang nagpatunay na talagang kaaya-aya ang kutis ng senador dahil nakita na nila ito sa personal.

"Still looking good, sir For the win."

"Met you in person Sir, you really have smooth skin po. ❤️ Straight pa tindig and lakad."

"It's in the genes, kaya young looking despite his age."

"Gwapo ka na sir… yung PMA annual mo I haven't seen until now a graduation pic from PMA more handsome than you… gwapo ka pa kay Isko sir."

"You are so down to earth sir ping. Pati skin care cover mo. For the win."

Samantala, may isa namang owner ng beauty product na nagngangalang 'MeaKryztine Aquiviano', na nagsabing "Salamat po. Pwede n'yo na pong i-vlog next time Sir Ping Lacson. How to be 73 years old in a 56 years old body." Siya yata ang nagtanong kung ano ang skin care secret ng kandidato.

Pabirong sagot ni Lacson: "Correction po, 51 years old sabi ng doktor. Subscribe kayo sa YouTube channel ko. May ilang vlogs at event highlights ako doon."

Sa kasalukuyan kasi ay 73 taong gulang na si Lacson. Isinilang siya noong Hunyo 1, 1948.

"Dahil tinanong natin si Sir Ping Lacson kung ano skin care nya yan po nireveal nya na guys! ?. Iba ung algorithm ng FB ko the past few weeks sa mga pages laging napapansin ang mga comments. ??," aniya. Kalakip nito ang screengrab ng naging conversation threads nila ni Lacson.

Screengrab mula sa FB/MeaKryztine Aquiviano

Mukhang lately ay medyo 'light' ang mga ibinabahagi ng presidential aspirant sa kaniyang social media account. Sa kaparehong araw, nag-post naman siya ng kaniyang litrato habang kumakain ng chicharon. 'Break' daw muna sa 'E-Sabong Senate Hearing'.

"Mikiron break muna from E-Sabong senate hearing. Sarap!" ayon sa kaniyang caption.

Sa isa pang Facebook post, makikitang nasa dalampasigan ang presidential candidate. Ito raw ay sa isang beach sa Camarines Norte.

"Hinga muna sa kampanya! Salamat sa sariwang hangin at magandang tanawin sa Bagasbas beach, Daet, Camarines Norte. Lalong nakaka-bata!," aniya.

Screengrab mula sa FB/Ping Lacson

May be an image of 1 person, standing, sky and body of water
Screengrab mula sa FB/Ping Lacson

Sa latest FB live naman niya ay mukhang nasa isang farm siya.

"Morning good! Kape at tinapay muna sa farm. ☕️ May mga bagong pitas rin na pinya at mangga. ????Magtatanim rin kami ni Senador Manny Piñol mamaya! Mukhang marami tayong matututunan. Almusal muna habang nanonood," aniya.