Ipinakilala na ng Partido Lakas ng Masa (PLM) ang senatorial candidates na kabilang sa Labor and Ecology Advocates for Democracy (LEAD) slate.

Nasa tiket nina Presidential candidate Ka Leody De Guzman at Vice Presidential candidate Walden Bello ang labindalawang senador na kaisa nilang magsusulong sa adbokasiya ng mga manggagawa at kabuuang kalagayan ng ekolohiya sa bansa.

Kabilang sa slate ang kamakailang nag-viral kasunod ng kanyang SMNI senatorial debate stint, ang labor lawyer na si Luke Espiritu. Sa nasabing debate, maaalalang sinabon ng Espiritu ang UniTeam senatorial candidates at kapwa mga abogadong sina Larry Gadon at dating Presidential Spokesperson Harry Roque kaugnay ng ilang datos sa rehimeng Marcos.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Larawan mula Presidential aspirant Ka Leody De Guzman via Facebook

Ang environment advocates na sina Roy J. Cabonegro at David D’Angelo, gayundin sina Agnes Bailen, Samira Gutoc, Elmer “Ka Bong” Labog at Sonny G. Matula ay kabilang din sa slate ni De Guzman.

Ilang senatorial bets din ng tiket ni Robredo ang kasama sa tiket ni De Guzman. Kabilang dito sina dating Baguio Representative Teddy Baguilat, Senador Leila De Lima at Risa Hontiveros, human rights lawyers Chel Diokno at Neri Colmenares.

Nitong Sabado, Marso 5, isinapubliko ng PLM ang naturang slate.