Kwelang ibinahagi ng Kapuso fashion star Heart Evangelista ang ilang ganap niya sa Paris kabilang ang kanyang pagpasok sa isang luxury shop.

Sa isang maikling Instagram video, nakakaaliw na ibinahagi ni Heart ang kanyang naging remedy nang gumising na masakit ang ulo sa tinaguriang Fashion Capital of the Western World.

Dahil hilig talaga ng aktres ang pagrampa at shopping, ipinasyal nito ang sarili sa ilang bahagi ng Paris kung saan nadatnan niya ang isang luxury shop.

“Got into an outfit. Like this look. Naglakad. Rumampa,” pagsasalaysay ni Heart sa kanyang Instagram video.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Humanap ng way na pwedeng mawala ‘tong sakit ng ulo ko,” dagdag ng aktres at makikitang tila nagliwalis ito sa Paris.

Dito sunod na nadaanan ni Heart ang luxury Parisian jewelry na Chaumet. “Ayon na lintik, pumasok," reaksyon ni Heart sa kanyang sarili kung saan agad siyang tinanggap ng mga staff at nagpresenta ng mga mamahaling alahas.

Agad na depensa ng aktres, “Tumingin lang naman.”

“Binigyan ako ng kape. Binigyan pa ‘ko ng croissant. It was so good. Binigyan pa ako ng pastries,” saad ni Heart.

“They know what exactly to do for my migraine to go away…ayon na nga nawala yung sakit ng ulo [ko],” nakakaaliw na pagtatapos ni Heart sa video.

Basahin: Kaartehan? Heart Evangelista, may payo sa kapwa kababaihang ‘fashion is life’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid