Buo ang suporta ni Eraserheads lead vocalist Ely Buendia kay Senador Leila De Lima sa muling pagtakbo nito bilang senador, sa ilalim ng senatorial slate ng Leni-Kiko tandem.

“Hi, Senator Leila de Lima. I just want to tell you how much I admire what you stand for and I hope you keep fighting the good fight and I hope that you win this coming election. Thank you very much for your sacrifice,” pahayag ni Buendia sa panayam sa kaniya, matapos ang campaign rally na naganap sa Iloilo Sports Complex noong Pebrero 25, 2022.

Inawit ni Buendia ang mga E-heads classic songs na talaga namang nagpabuhay sa dugo ng mga dumalo sa nasabing campaign rally.

Parehong taga-Camarines Sur sina Buendia at De Lima. Si Buendia ay nagmula sa Naga City habang si De Lima naman ay mula sa Iriga City.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Samantala, nagpasalamat naman ang senadora kay Buendia.

"Thank you so much for your heartwarming show of support, Ely. Maraming salamat sa pagbabahagi ng oras, talento at musika, hindi lamang para mapasaya ang ating mga kababayan, kundi para samahan at bigyan sila ng higit na lakas at pag-asa para sa gobyernong tapat at makatarungang bukas," ayon sa Facebook post ng senadora.