Matapos ang mga hugot video ni Angelica Panganiban, isa na namang campaign video para sa mga botante ang usap-usapan ngayon sa social media, na ang tampok ay si dating Pinoy Big Brother teen housemate at Kapamilya TV host-personality Robi Domingo, sa isang fictional game show na pinamagatang 'All of Nothing'.

Ibinahagi ito ni Robi sa kaniyang Twitter account nitong Marso 4, 2022 ng hapon.

"Piliin ang sigurado at may napatunayan na. Doon tayo sa magaling, hindi sa sinungaling o magnanakaw. ?," saad ni Robi sa kaniyang tweet gamit ang hashtag na '#WagMagpapabudol'. Kalakip nito ang video ng naturang campaign video, na nasa 'final round' na kaya jackpot question na umano ang itatanong.

"Welcome to the jackpot round, final question na 'to. All or nothing. Either uuwi kang panalo o luhaan sa loob ng anim na taon. Ano, game ka?" saad ng TV host.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Screengrab mula sa Twitter/Robi Domingo

"Ang tanong… sa pagpili ng kandidato ngayong 2022, ano ang gagawin mo? A. Manghula? Ano 'to, meeny meeny mini mo? 'Wag, sobrang deliks (delikado) 'yan, kung sa feelings nga kailangang sigurado tayo bago tumaya sa taong mahal natin, dapat mas sigurado tayo doon sa pipiliin natin ngayong eleksyon."

"We can't fall for and be with the wrong person…" aniya pa para sa option A.

Para naman sa option B: "B, phone a friend? Mag-ingat sa mga sabi-sabi, dami pa namang fake news d'yan…"

"Para sa option C: "C, survey says? Hindi porket nangunguna 'raw' magaling na. Minsan, magaling lang mambudol."

At ang huling option naman, "Or D. Piliin ang sigurado at may napatunayan na. May malinis na track record. Palaging nandiyan. At hindi nagtatago."

"Hey, tick-tock, tick-tock. Tumatakbo ang oras. At huwag puro TikTok. Mag-isip-isip na habang may oras ka pa."

"Sa eleksyon ngayong Mayo, hindi lang isang milyong piso ang nakataya rito. Future mo at ng buong Pilipinas ang mababago. Kaya intindihin na ang mga kailangan. I-eliminate mo na yung mga obvious naman na mali. At 'wag maniniwala sa mga… pangakong ginto (Gold daw?)."

"Doon tayo sa magaling, hindi sa sinungaling, at hindi sa magnanakaw. Final answer. Sure na. Tandaan, huwag magpapabudol."

"Oh, may aapela ba? Game lang! Pero bangon muna… at magpakita!" pagtatapos nito.

Samantala, inaabangan naman ng mga netizen sa ilalabas na parody nito ng VinCentiments, kagaya ng ginawa ni Juliana Parizcova Segovia sa campaign video ni Angelica Panganiban.