Umaabot na lamang ngayon sa mahigit 49,000 ang mga aktibong kaso ng Covid-19 sa Pilipinas.

Ito ay nangmakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 941 bagong kaso ng sakit at 1,784 pasyente naman na gumaling sa karamdaman hanggang nitong Marso 5, 2022.

Dahil sa mga bagong kaso ng sakit, ang total Covid-19 cases sa bansa ay umabot na sa 3,666,678.

Gayunman, sa naturang kabuuang bilang, 1.3% na lamang o 49,374 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

Karamihan pa rin naman sa mga aktibong kaso ay nakararanas lamang ng mild na sintomas ng karamdaman, na nasa 44,586 habang 416 naman ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas.

Nasa 2,736 naman sa mga aktibong kaso ang may moderate symptoms, 1,344 ang may severe symptoms habang 292 ang kritikal ang kalagayan.

Ang mga pasyenteng gumaling sa sakit ay umabot na sa 3,560,425 na o 97.1% ng total cases.

Bukod dito, nadagdagan din ng 109 na pasyente ang binawian ng buhay kaya lumobo na sa56,879 ang kabuuang bilang nito.