Sa ika-10 pagkakataon simula Enero ng taon, magtataas na naman ng presyo sa produktong petrolyo sa Martes, Marso 8.
Ito ang inanunsyo ng mga kumpanya ng langis at sinabing kabilang sa maaapektuhan ng pagtaas ng presyo ang gasolina, diesel at kerosene.
Mula₱5.30 hanggang₱5.50 ang inaasahang ipapatong sa presyo ng diesel kada litro,₱4.00 hanggang₱4.10 naman sa kerosene at₱3.60 hanggang₱3.80 naman sa gasolina.
Resulta umano ito ng paggalaw ng presyo nglangis sa pandaigdigang merkado at patuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Nitong Marso 1 ay huling nagtaas ng₱0.90 sa presyo ng gasolina,₱0.80 sa presyo ng diesel at P0.75 naman sa presyo ng kerosene.