Dinadagsa na muli ang pamosong Boracay Island sa Malay, Aklan mula nang buksan muli ang lugar sa mga bakunadong turista.

Ito ang pahayag ng Malay Tourism Office at sinabing karamihan sa mga ito ay domestic tourist at maliit lamang ang bilang ng mga dayuhang turista.

Binanggit nito na nito lamang Pebrero ng taon, umabot na sa 80,882 na turista ang bumisita sa isla, kabilang na ang 434 na foreign tourists.

Sa kanilang datos, binanggit na noong Disyembre 2021, umabot sa 113,596 na turista ang pumasok sa lugar, gayunman, nilinaw nito na maliitang naturang bilang kung ikukumpara sa naitalanilabago magkaroon ng pandemya sa bansa.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nauna nang inihayag ng Department of Tourism (DOT) na asahan na ang pagdagsa ng mga turista sa iba pang tourist destinations sa bansa na isinailalim sa Covid-19 Alert Level 1, lalo na ngayong papalapit na ang tag-init.

Tara Yap