Ititigil na ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang 'ngiwi challenge' na 'di umano'y pinauso niya nitong mga nakaraang araw.
Aniya, maaari itong makasakit sa mga taong may Tourette's at cerebral palsy.
"Thanks but please guys let's stop the #ngiwisquad ngiwi challenge because it might offend those with Tourette's and cebral palsy. Thank u @autismphils," sabi ni Guanzon sa kanyang Twitter post nitong Huwebes, Marso 3, 2022.
Ibinahagi rin ni Guanzon ang tweet niya sa kanyang Facebook page na may caption na: "Stop muna, inom nalang coke, pero #notodrugs parin."
Nagsimula ang #NgiwiChallenge sa kanyang post noong Marso 1 na may kalakip na larawan niyang nakangiwi.
"Comment down your #NgiwiPose and use our hashtag #NgiwiSquad #NgiwiChallenge! Yung mananalo may coke in can with mikmik in lieu of tallano gold!" ayon sa caption.