Nagkita muli sina Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso at isang batang lalaki na tinulungan niyang makakuha ng liver transplant tatlong taon na ang nakararaan.
Ibinahagi ni Amy Bocaling kung paano tinulungan ni Mayor Isko ang kanyang anak na si Tuytuy na may billary atresia, at nailigtas ang kanyang buhay.
Sinabi ng 33-anyos na ina ay nangailangan sila ng humigit-kumulang P2 milyon para makakuha siya ng bagong atay para sa anak.
"Nag viral po kasi ‘yung anak ko through social media. Nag ipon po kami ng mga barya… Nag raise po ako kasi hindi po namin kaya, two million po halos ‘yung kailangan pang operasyon niya," ani Bocaling sa isang panayam.
Naging desperado umano si Bocaling kaya't nasubukan niyang mamalimos sa palengke.
"Ginawa ko na po ‘yung kaya ko po kasi namalimos din po ako sa palengke po para maabot po yung two million," pagbabalik tanaw niya.
Aniya, binigyan lamang ng dalawang taon para mabuhay ang kanyang anak.
“Talagang desperado po ako na ma-operahan yung anak ko kasi yung taning po niya two years lang po," dagdag pa nito.
Hindi taga Maynila ang mag-ina, sinabi ni Domagoso na hindi siya nagdalawang-isip na tulungan sila.
“I’m happy today, salamat sa Diyos, at least malusog yung bata," ani Domagoso.
"Noong araw kapag pumupunta sila sa atin, we don’t ask naman their addresses eh, ang importante mabuhay yung bata," dagdag pa ng alkalde.
Sumasailalim pa rin si Tuytuysa lifetime maintenance na mga gamot. Sinabi ni MOreno, na maayos na ang kanyang pakiramdam at nakakapaglaro na tulad ng ibang mga bata.
“Salamat po,” ani Tuytuy na limang taong gulang na.
“Life, every life is valuable. Basta masaya ako, eh di kahit papano may awa ang Diyos, makaraos ang mga ganitong klaseng pamilya na kunakaharap sa araw araw pangamba," ani Domagoso.Jaleen Ramos