Lumipad ng Singapore sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal para sa isang food adventure. Dahil sa kanilang kulitan at asaran sa ibang bansa na makikita rin sa serye ng kanilang online uploads, hindi mapigilang muling kiligan ang solid MarJo fans.
Hindi pa rin maitatanggi ang natural na sparks sa pagitan ng sikat na 90’s teen idols at ngayo’y muling pinakikilig ang fans sa kanilang reunion project para sa food tourism industry ng Singapore.
Nitong Miyerkules, Marso 2, lumapag sa SG ang sikat na love team para i-promote ang ilang Zi Char recipes, o ang sikat na Singaporean homestyle cooking.
Hindi naman nawala ang kadalasang banter ng dalawa na makikita rin sa ilang Instagram series ni Jolina.
Sa unang Instagram video nitong Miyerkules, makikitang ibinahagi ni Jolina ang kanya raw encounter kay Marvin sa SG.
“Grabe, nakita ko si Marvin Agustin. Ay kasing pula ng Cochi niya,” pabirong saad ni Jolina sa lechon master.
Isang maikling video rin ang makikitang sunod na ibinahagi ni Jolina kung matapos ang kanilang unang food trip, na ayon kay Marvin one out of ten pa.
“Tignan mong bata ka, ang dumi-dumi mo na. Isa pa lang ang kinainan natin, sabi ni Jolina habang itinuro ang pawis na pawis at todo-ngiti pa ring Marvin.
First-time namang ipinamalas ni Marvin ang kanyang dance skills sa TikTok kasama si Jolina sa sikat na “Clap Snap” dance craze.
Dahil dito, hindi mapigilang muling kiligin ng MarJo fans sa muling pagsasama ng dalawa.
“Kakakilig talaga ang#TeamLabtim?❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️ sending ?? From DUBAI,” saad ng isang fan.
“Yung chemistry!!!!!!! ?❤️?❤️?❤️?❤️” komento ng isang follower ni Jolina.
“Haaaaay!!! Have always been a fan of Marvin and Jolina!!! Ned and Bujoy all the way!! Never gets old! ❤️ So happy na friends kayo until now!!! Nakakahappy!!! ???” segunda ng isa pang MarJo fan.
“Love team na walang kissing scenes pero nakakakilig super ang chemistry ?❤️❤️❤️”
“Grabe! Nemen nakakakilig ang love team..sana bigyan ulit kayo ng project ng abs cbn na magkasama ?”
Samantala, ibinahagi naman ni Jolina na ang Singapore trip ang una niyang muling paglabas ng bansa mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic noong 2020.