Sinimulan na ng Las Piñas City government ang pagsasagawa ng house-to-house vaccination nitong Miyerkules.

Sa Barangay Talon Uno, nagtalaga ang pamahalaang lungsod ng 20 “fixed posts” para sa bakunahan, bukod pa rito ang mismong pagbabahay-bahay ng mga medical team ng Las Piñas City Health Office (LPCHO).

Sa mga “fixed-posts” lanang maaaring pumunta ang mga residente upang maturukanng booster shot.

Binibigyan din ng libreng vitamin C at paracetamol ang mga residenteng nakikiisa at nagpapabakuna sa 'Bayanihan sa Bakunahan' ng lungsod.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nagpasya ang city government na mas ilapit sa mga residente ang pagbabakuna upang lalo pang mapalawak ang mabibigyan ng proteksyon laban sa Covid-19 dahil isinailalim na saAlert Level 1 ang Metro Manila.