Nalansag ng mga awtoridad ang isang drug den na ikinasamsam ng ₱3,060,000 na halaga ng shabu at ikinaaresto ng anim na suspek sa Taguig City nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director Brig. Gen. Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Menandro Martin, 46; Emerito Eusebio Jr., 53; Paul John Miranda, 29; Neil Corpuz, 52; Paul Santos, 34; at Nicanor Radores, 40, pawang taga-Taguig City.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng SPD at Taguig City Police Sub-Station 4 sa Amihan St., Brgy. Ususan sa naturang lungsod, dakong 10:00 ng gabi na ikinaaresto ng anim na suspek.Kumpiskado ang 450 gramo ng shabu, isang Cal. 45 pistol, magazine, mga bala at drug paraphernalias.

Inihahanda na ng awtoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearm and Ammunitions Regulatory Act laban sa mga suspek.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC