Pinaaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko ukol sa paggamit ng electronic cigarette (e-cigarette) na vape.

Sa Facebook post ng DOH, sinabi nito dapat nang iwasan o ihinto ang paggamit ng vape dahil wala itong magandang maidudulot sa gumagamit nito.

"Vape is harmful, not pa-cool! Iwasan o ihinto ang paggamit ng vape, ala itong magandang maidudulot sa iyo," pahayag ng DOH.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Larawan: Healthy Pilipinas via DOH/FB

Ayon pa sa DOH, kabataan ang pangunahing target market ng vape.

Kaugnay nito, base sa datos na inilabas ng National Tobacco Youth Survey, humigit-kumulang 20% ng mga high school students ay gumagamit ng vape.

"Nakakabahala ang datos na ang mga kabataan na gumagamit ng vape na hindi naninigarilyo ay mas malamang na magsimulang manigarilyo kaysa sa kanilang mga kaedad na hindi gumagamit ng vape," dagdag pa ng DOH.

Nagbigay naman ng tulong ang DOH sa mga nagnanais humingi ng tulong lalo na sa mga nagnanais na ihinto na ang pagve-vape.

"Handa tumulong ang DOH Quitline, tumawag sa numbers: 1558 (Toll-free Nationwide) para sa karagdagang impormasyon."

Samantala, sa ulat ng bicameral conference committee tungkol sa pinagsamang House Bill 9007 at Senate Bill 2239, na kilala rin bilang Vape Bill, ay magbabawal sa pagbebenta ng mga e-cigarette na may flavor descriptors na umaakit sa mga kabataan.

Ito ang ibinunyag ni Rep. Sharon Garin, House Committee Chairperson for Economic Affairs at miyembro ng Vape Bill house bicam panel, sa mga miyembro ng media.

“With the passage of the Vape Bill, we are solidifying the provisions of RA 11467 and Executive Order 106 issued by President Rodrigo Duterte and in particular banning the sale of e-cigarettes with flavors other than menthol and tobacco. Under the Vape Bill, we added another ban, which is prohibiting the sale of e-cigarettes with flavor descriptors that appeal to the youth. This is in addition to the flavor ban that exists today,” ani Garin.