Nagsalita na si Professor Clarita Carlos tungkol sa paghingi umano ng advance questions ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa nakaraang SMNI-sponsored Presidential debate habang may patutsada ito sa isang news outlet.

Nilinaw ni Carlos ang tungkol sa paghingi ng advance questions ng kampo ni BBM at may pasaring ito sa isang news outlet sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, Marso 4.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Sinabi niyang isang kasinungalingan ang lumabas na umano'y newsclip na sinabi niyang humingi ng advance questions ang kampo ni BBM bago ang debate.

"The newsclip, datelined ANC, quoted me that “the camp of BBM sought advance questions”, before a debate. This is a DASTARDLY LIE!!!" ani Carlos, isa sa mga panelist noong debate.

"If those interviews would be run, without compromising it, anyone, with even an IQ of 70, would see that there was ABSOLUTELY NO MENTION OF BBM NOR ANY CANDIDATE, IN MY INTERVIEWS, in regard to requesting for advance questions!!!!!" dagdag pa niya.

Sinabi rin ng propesor sa news outlet na walang pumipigil dito na suportahan ang isang partikular na kandidato. Aniya, "but please change your legal personality to a PAC!!"

Sinabihan din ni Carlos na magpakatao umano ang nasabing news outlet.

"Sadly and ironically, you present yourselves as purveyors of unexpurgated news...MAGPAKATAO naman kayo! Utang na loob..." aniya.

Gayunman, ibinahagi rin niya na may isang kandidato ang pilit na humihingi ng advance questions sa mga panel kung saan kabilang si Carlos. Nang hindi nakakuha ng mga advance question, last minute ay umatras 'di umano ang kandidato.

Kaugnay na balita: https://balita.net.ph/2022/02/17/kilalanin-sino-nga-ba-si-professor-clarita-carlos/