Usap-usapan sa social media na may katapat na raw umano ang VinCentiments ni Darryl Yap at ito raw ay ang Aling Leni's Sari Sari Stories.

Naglalabas din ito ng mga satirical contents tungkol sa mga "sari-saring kuwento ni Aling Leni." Nauna umano ito sa satirical content ng VinCentiments na inilabas nito lamang Pebrero 2022.

Ginawa ang YouTube channel ngAling Leni's Sari Sari Stories noong Nobyembre 2021.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kasalukuyan na itong may 1.45K subscribers at may 24 episodes.

Ang Facebook page naman, base sa page history nito, ginawa ang page noong Pebrero 6, 2017 na may pangalang "Wais na Pinoy" na pinalitan ng "Aling Leni's Sari Sari Stories" noong Nobyembre 19, 2021.

Kasalukuyan na itong may 113,736 follows at 106,157 na likes.

Tampok din sa isa sa mga episode nito ang pagbisitani presidentialaspirant at Vice President Leni Robredo.

Samantala, ang satirical content naman ng VinCentiments na The Coffee Chronicles: Len-Len and Life ay kalalabas lamang noong Pebrero 3, 2022. Tumabo agad ng milyong views ang unang episode nito sa loob lamang ng walong oras mula nang ipinost.