Pagbibidahan nina Alden Richars at Bea Alonzo ang Philippine remake ng hit Korean drama na “Start-Up.”

Ipinagkaloob ng producer ng Start-Up na CJ Entertainment ang exclusive rights sa GMA Network upang muling bigyang buhay ang patok na 2020 Korean series.

"GMA has always been a great partner, and it is great to see them remaking one of my favorite series in Philippines,” saad ng CJ Entertainment.

Bukas din ang naturang producer na ilan pang programa nito ang ibigay na materyal sa GMA para bigyan ng Pinoy adaptation.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Starting with Start-Up, which has a well-established storyline and unique characters, we are willing to actively carry out more adaptations of dramas with GMA in the future for the fans in Philippines,” sabi ng CJ Entertainment.

Excited naman pareho sina Alden Richards ang Bea Alonzo na gumanap sa karakter nina Dosan at Dal Mi.

Sa panayam ng Chika Minute sa newest Kapuso pair-up nitong Biyernes, parehong nirerespeto ng dalawang aktor ang isa’t isa pagdating sa kanilang dedikasyon sa trabaho kaya’t masaya silang maging bahagi ng tinawag na isa sa pinakalamaking proyekto ng GMA Network ngayong taon.

Pagbabahagi naman ni Bea, ang adaptation ang isa sa mga inihaing posibleng proyekto na kanyang gagawin sa GMA nang ligawan siya ng network.

Samantala, hindi pa inanunsyo ang buong casts ng proyekto. Ang Start-Up ay orihinal na pinagbidahan nina Bae Suzy, Nam Joo-hyuk, Kang Han-na, at Kim Seon-ho.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/17/bea-alonzo-jeric-gonzales-yasmien-kurdi-at-alden-richards-magsasama-sama-para-sa-start-up-remake/">https://balita.net.ph/2022/02/17/bea-alonzo-jeric-gonzales-yasmien-kurdi-at-alden-richards-magsasama-sama-para-sa-start-up-remake/