Itinalaga ang buwan ng Marso bilang Fire Prevention Month alinsunod sa Presidential Proclamation No. 115-A, s. 1966. Ito ay sa kadahilanang pinakamaraming insidente ng sunog ang naitatala sa nasabing buwan.
"Sa Pag-Iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa" ang tema ng ngayong taon para sa Fire Prevention Month.
1. Hangga't maaari ay huwag na huwag maninigarilyo sa mismong kama o malapit man dito lalo na kung katatapos lamang uminom ng alak. Mabilis na magliliyab ang kama lalo ng kung gawa ito sa foam.
2. Kung maninigarilyo sa loob ng bahay, siguraduhing mayroong ashtray. Huwag na huwag itatapon ang upos ng sigarilyo direkta sa basurahan. Siguraduhin munang patay na ang upos bago itapon.
3. Tanggalin ang mga bagay na maaaring pagmulan ng sunog. Halimbawa na lamang dito ay ang mga basura at iba pang materyal na mabilis magliyab.
4. Itago ang lighter at posporo upang hindi ito paglaruan ng mga bata kung sakaling maabot man ito.
5. Ang mga bagay na mabilis mag-apoy tulad ng gasolina, alcohol, at pintura ay hindi ina-advise na itago sa loob ng bahay.
6. Bukod sa makakaapekto sa kalusugan, maaari ring magsimula ng apoy ang pagsusunog ng goma at plastik.
7. Siguraduhing hindi iiwanan ang niluluto lalo na kung mayroong mantika ang nakasalang. Kung magliliyab ay kumuha ng basang tuwalya o basahan. Huwag na huwag bubuhusan ng tubig ang lumiliyab na kalan dahil maaari pa itong magpalaki ng apoy.
8. Palagian ang pagmomonitor sa mga kalan at LPG kung ito ay may sira o singaw.
9. Siguraduhing hindi sabay-sabay ang mga nakasaksak na appliances dahil maaari itong magsimula ng overheating.
10. Hangga't maaari ay magkaroon ng fire extinguisher sa bahay.
11. Mahalaga rin na mayroong evacuation plan ang pamilya kung sakaling magkaroon ng sunog.
At upang maiwasan ang sunog, narito ang listahan ng maaari mong tandaan na nakatakda rin sa Disaster Preparedness and First Aid Handbook na inilabas ng Senate Committee on Climate Change.
Maaari ring ma-contact ang Bureau of Fire Protection (nationwide) sa numerong 160/911; (02) 8426-0246; at (02) 8426-0219 kung magkaroon ng sunog.
Tandaan, kahit hindi buwan ng Marso, "Sa Pag-Iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-iisa."