13 estero ang maglalaban-laban sa "Gawad Taga-Ilog: Search for Most Improved Estero in Metro Manila” ng DENR National Capital Region.

Inanunsyo ng DENR-NCR sa kanilang Facebook page ang 13 nominado, kabilang dito ang Estero de Maypajo (Caloocan City), Zapote River (Las Piñas City), Estero Tripa de Gallina (Makati City), Sucol Creek (Malabon City), Maytunas Creek (Mandaluyong City), Estero de San Miguel (Manila City), Park Creek 23 (Marikina City), Estero de Maypajo (Navotas City), Estero Tripa de Gallina (Pasay City), Lanuza Creek (Pasig City), Ermitaño Creek (San Juan City), Tipas River (Taguig City), at Polo River (Valenzuela City).

Ang mga mapipiling waterways ay sasailalim sa pagsusuri na may criteria na: physical improvement, social mobilization and transformation, sustainability and replicability at partnerships.

Pipili ang judges ng tatlong estero na mananalo na base sa nabanggit ng criteria.

Ilang grupo nagtipon para sa panawagan ng clemency kay Mary Jane Veloso

Para naman sa Gawad Taga-Ilog Peoples’ Choice Awardee, i-click lamang ang link na ito: https://www.facebook.com/DENR.NCR.Official/posts/317833170381027 at pindutin ang "like" o "heart" button ng larawan ng estero na nais iboto.

Tatagal ang botohan para sa Peoples' Choice Awardee hanggang Marso 18, 2022 at iaanunsyo naman ang mga mananalo sa Marso 22, 2022.

"Gawad Taga-Ilog is DENR National Capital Region’s pioneering program aimed at recognizing the initiatives and innovations of local government units – especially barangays along rivers and esteros – in keeping their waterways clean and trash-free. The search is organized in line with the ongoing rehabilitation of Manila Bay," anang DENR-NCR.