Inaasahang makatatanggapng₱6,500ang bawat driver at operator ng mga public utilityvehicleskapag inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang kanilang fuel subsidy.

Ito ang pahayag ngLand Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Huwebes at sinabing ang katulad na tulong ay ipamamahagi rin sa mga magsasaka sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ikinatwiran naman ni LTFRB-National Capital Region (NCR) director Zona Tamayo, umabot na sa₱9.00 ang idinagdag sa presyo ng gasolina ngayong taon habang ang diesel ay mahigit na sa₱10.00.

“Sa ngayon ay nakipag-ugnayan na po tayo sa DBM para po sa pag-process and release of funds," paglilinaw ni Tamayo.

Matatandaangumaangal na ang mga operator at driver dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at nakaapekto sa kanilang kinikita, lalo na at karamihan pa rin sa mga lugar sa bansa ay hindi pa ring pinapayagan sa 100 full passenger capacity.

Mula nang magsimula ang pandemya, milyun-milyon na ang natatanggal sa trabaho at ang iba naman ay binabawasan ng suweldo.

Nauna nang idinahilan ng mga driver ang mas mababang bilang ng pasahero dulot na rin ng patuloy na online learning bilang isa sa paraan upang makaiwas sa paglaganap pa ng Covid-19.

Idinagdag pa ni Tamayo na matatanggap ng mga driver ang naturang fuel subsidy sa pamamagitan ng Pantawid Pasada card na ibinibigay ng Landbank.

Kinakailangan din aniyang ipakita ng mga driver ang card sa mga gasolinahan upang makapagpagasolina.

“Yung card may nakalagay na plate number para meron tayong basis kapag sila ay nagprisinta sa ating participating gas stations. So kahit operator ang nakapangalan ang card po ay pwedeng gamitin ng driver dahil ang magiging reference po natin ay 'yung plate number," paliwanag pa nito.

Faith Argosino