Ibinuking ni senatorial candidate Neri Colmenares na hindi umano siya inimbitahan sa naganap na SMNI Senatorial Debate nitong Marso 2, 2022 na ginanap sa Okada Manila, batay sa kaniyang latest tweet.
Aniya, may mga naghahanap daw kasi sa kaniya sa naturang debate.
"Good morning! Sa mga nagtatanong bakit wala ako sa SMNI senatorial debate kagabi, sa totoo lang, I was not invited," tweet ni Neri Colmenares ngayong umaga ng Marso 3, 2022.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.
"That is unfair. SMNI should explain why Neri @ColmenaresPH is not invited to its senate debate."
"Thinking the same too. Baka nga may next batch since wala ang tropang Angat."
"Eh ano naman po kung wala kayo? Paimportante yarn?"
"That's fine. Hindi ka naman namin iboboto."
"So what's your point?"
"Ayos lang na wala ka, Sir Neri. Mahirap kasi kung dalawa kayo ni Atty. Luke Espiritu na lalapa sa mga katunggaling Gadon at Roque."
Si Colmenares ay Makabayan chairperson at dating Bayan Muna congressman na tumatakbo bilang senador sa halalan 2022.
Samantala, wala pang pahayag ang SMNI tungkol sa hindi umano nila pag-iimbita kay Colmenares sa naturang debate.