Nanawagan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa tatlong nanalo ng kabuuang ₱98 milyon sa magkakahiwalay na lotto draw na kunin na nila ang premyo.
Sa pahayag ng PCSO, dalawa ang nanalo sa isinagawang 6/45 lotto draw noong Hulyo 26, 2021 kung saan may nakalaang premyong ₱36 milyon.
Nabili ng dalawa ang kanilang ticket sa Batangas City, Batangas at Muntinlupa City.
Paliwanag ng PCSO, hanggang sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na tawag o anumang mensahe mula sa dalawang lotto wnner kahit halos walong buwan na ang nakararaan.
Paglilinaw ng PCSO, kapag hindi pa rin nakukuha ang nasabing premyo sa Hulyo 26, 2022 ay forfeited na ito at idadagdag sa charity fund ng PCSO.
Ang ikatlong nanalo naman ay hindi pa rin nakukuha ang ₱62 milyong oremyo nito sa 6/45 lotto draw nitong Pebrero 18, 2022.
Idinagdag pa ng PCSO na nabili umano ang winning ticket sa Baguio City.