Ibinuhos ng dating beauty queen na si Maggie Wilson ang kaniyang hinanakit at pagkadismaya sa social media matapos umanong hindi siya payagang maka-access sa mga birthday photos ng kaniyang anak na si Connor, na nagdiwang ng ika-10 kaarawan noong Pebrero 28, 2022.
Isang araw bago ang aktuwal na birthday party, natanong pa ni Maggie ang official photographer kung puwede ba siyang makakuha ng mga litrato ng birthday celebration ng anak. Pumayag naman ito.
Ngunit naiba raw ang ihip ng hangin kinabukasan dahil hindi raw pinayagan ang photographer na magpadala ng mga litrato sa kaniya, mula sa partido ng kaniyang ex-husband na si Victor Consunji.
Si Victor ay apo ng yumaong construction magnate at mining mogul na si David M. Consunji ng DMCI Holdings Inc.
“Another day. You might think everything is nice and peachy on the outside but this is what I have to deal with and have been dealing with on the inside for far too long now. Control," nasabi na lamang ni Maggie. Ibinahagi niya sa IG stories ang screengrab ng naging pag-uusap nila ng photographer.


Sa mismong araw ng birthday ng anak, nag-post na lamang ng kaniyang birthday message si Maggie.
"I can’t believe you are now 10 years old. Where has the time gone? My pregnancy and journey to have you was not an easy one but it was all worth it. I remember everything like it was just yesterday. I am so proud of the little man you have become," aniya.
"Seeing you grow into the beautiful young man that you are brings me so much joy. You are so kind, gentle and extremely loving. I cherish every hug, every kiss and all of our tender moments of lambing."
"I love so much my Connor. Happy birthday bubba!"

Ikinasal sina Maggie at Victor noong 2010 subalit ginulat nila ang publiko nang i-anunsyo nilang hiwalay na sila, noong 2021.