BAGUIO CITY - Hinatulan ng hukuman na makulong ng habambuhay ang isang tinaguriang drug kingpin ng lungsod kamakailan.

Sa desisyon ni 1st Judicial Region Branch 60 Judge Rufus Malecdan, Jr. ng Baguio City, napatunayang nagkasala si Federico Oliveros, 40, alyas Eric, sa kasong paglabag sa Republict Act kaugnay ng pag-iingat nito ng 48.56 na gramo ng shabu at 4 ml glass vial ng brownish liquid shabu noong Hulyo 14, 2020.

Bukod dito, pinatawan ding makulong ng apat na taon si Oliveros matapos mahulihan ngdrug pharaphernalias sa nasabi ring petsa.

Kaugnay nito, sinabi niPhilippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera Director Gil Castro, na si Oliveros ay humalili sa kanyang ama na si Bernardo Oliveros sa pagiging lider ng sindikato ng droga na nag-o-operate sa lungsod at mga karatig-lalawigan sa Cordillera.

Noong 2013, hinatulan ng korte na makulong ng hanggang 20 taon si Oliveros (Bernardo) matapos mahulihan ng mga awtoridad ng P400,000 halaga ng shabunoong Setyembre 2011.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!