Napansin ng mga netizen na nakasuot ng rubber shoes si senatorial candidate at Antique representative Loren Legarda sa naganap na SMNI Senatorial Debate nitong Marso 2, 2022 sa Okada Manila.

Image
Screengrab mula sa Twitter/Loren Legarda

Ayon sa ulat, ang naturang blue rubber shoes ay regalo sa kaniya ni TV host-vlogger Alex Gonzaga, na isa sa mga tagasuporta niyang celebrity.

Inihahambing ng mga netizen si Loren kay presidential aspirant at Vice President Leni Robredo na nagtanggal umano ng sapatos na de-takong at naglakad nang nakayapak sa ginanap na CNN Philippines Presidential Debate noong Pebrero 27, 2022 sa University of Santo Tomas (UST) Building.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

This image has an empty alt attribute; its file name is image-469-590x600.png
Screengrab mula sa Twitter/Leni Robredo

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/28/vp-leni-nag-rap-daw-sa-cnn-phils-presidential-debates-walang-inuurungan-handa-laging-lumaban/">https://balita.net.ph/2022/02/28/vp-leni-nag-rap-daw-sa-cnn-phils-presidential-debates-walang-inuurungan-handa-laging-lumaban/

Marami sa mga netizen ang nag-react dito. May mga natuwa at nagsabing makikita raw kay VP Leni ang pagiging propesyunal dahil nakuha nitong gumamit ng sapatos na de-takong kahit hindi siya sanay, upang ipakita sa publiko ang pagiging pormal at presentable.

"Ms. Loren Legarda is wearing rubber shoes for the Senatorial debates. Which is really the smart thing to do when you expect to be standing for hours," ayon sa isang netizen na itinag pa sina VP Leni at ang anak nitong si Jillian.

"What's wrong with wearing heels and taking it off afterwards?"

"There's nothing wrong with it but wearing it for the wrong occasion is BoBo."

"I like Legarda. Smart and less drama."

"Pustahan kung nag-sneaker shoes si VP Leni, pagtatawanan n'yo."

"Loren wore rubber shoes, and still she looks professional and smart. Effortless. Partida, hindi pa nag-heels iyan ha."

"Lahat ba gusto ng rubber shoes? Pag si Leni nagsuot niyan sasabihin n'yo na naman formal ang occasion pero naka-rubber shoes. Loren is a political prstitte. Marcos is Magnanakaw. So ekis pareho 'yan."

"So indicator ng intelligence ang pagsuot ng rubber shoes? ? Kapag pumunta ka ba sa interview mo for a job do you really present yourself in rubber shoes?! Ay sows ??‍♀️ makahanap na lang talaga mga tao ng issue. ?."

Binatikos pa ito ng kilalang direktor ng VinCentiments na si Darryl Yap. 'Poor planning' daw ito at 'wrong decision'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/28/daryl-yap-tinawag-na-all-for-a-show-ang-pagsusuot-ng-heels-ni-robredo-sa-isang-debate/

Samantala, may sagot naman si VP Leni sa mga basher na sa hinahaba-haba raw ng debate ay nagpokus sa pagtatanggal niya ng sapatos, sa pamamagitan ng kaniyang opisyal na Facebook account.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/03/02/nagalingan-kayo-robredo-pinalagan-ang-mga-akusasyon-sa-kamakailang-presl-debate/

"Dahil ang saya ng araw na ito, in the mood lang tayo pumatol??," aniya sa kaniyang FB post noong Marso 2.

"Pinagpipiyestahan pala ng trolls yung pagtanggal ko ng sapatos after the debate. PR stunt daw kasi election. Hindi naman 'yun first time. Kahit walang election, ginagawa ko yan pag sumasakit paa ko."

Ipinakita ni VP Leni ang 'resibo' na kahit hindi pa sa panahon ng eleksyon ay ugali na niyang magtanggol ng sapatos na de-takong.

"Eto resibo. 2016 po ito. Tapos na election. Birthday po ito ng asawa ko. Sa Eternal Gardens ito sa Naga. Saka medyo regular po yan nangyayari, hindi lang sa akin, pero sa marami pang mga kababaihan na hindi sanay ng naka-heels na matagal."

"Also, sa mga nagsasabi na may advance questions akong natanggap sa debate. Thank you, kahit hindi totoo. Gusto bang sabihin, nagalingan kayo? ??," aniya.