Isa sa mga natalakay sa radio program/entertainment digital program na 'Cristy Ferminute' nitong March 2 episode ang lumalala at hindi pa nasasagot na isyu sa hiwalayan umano nina Kapuso couple Tom Rodriguez at Carla Abellana.

"May pinanganak na namang bagong isyu!" bulalas ni Cristy. "kambal-kambal na isyu ang ipinanganganak tungkol sa kanilang paghihiwalay. Nandiyan yung infidelity issue, gay issue, pagiging kuripot nitong si Tom at makuwenta kay Carla, pero may bago."

Ayon sa chika ni Cristy na nagmula naman sa kaniyang source, ang isa raw sa puno't dulo ng kanilang hiwalayan ay dahil sa isyu ng pera. May malaking halaga raw ng pera ang mag-asawa na ipinasok sa isang grupong politikal ni Tom o party-list, na una pa lamang daw ay tutol na si Carla.

Kaya lamang daw, 'niligwak-ganern' daw ito ng Comelec at hindi nakapasok sa pinal na listahan ng mga party-list na maaaring iboto sa halalan 2022. Umpisa pa lamang daw kasi ay pinipigilan na siya ng misis subalit matigas daw ang ulo ni Tom at umarya pa rin.

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne

"Sugal 'yan eh… lumipad ang datung! Walang nangyari. Nakakaloka!" sey ni Cristy.

"Ayaw ninyong magsalita, ano ngayon ang nangyayari? Hindi titigil ang panganganak ng isyu na nauugnay ngayon sa paghihiwalay ninyo. Sey ni Cristy, hangga't hindi pa nagsasalita ni isa sa kanila o sabay bilang mag-asawa, hindi matutuldukan ang mga isyung pumapalibot sa kanilang relasyon ngayon, at patuloy pa itong nanganganak.

Hanggang ngayon kasi ay wala pang pahayag si Tom, si Carla, o silang dalawa sa hiwalayan issue simula nang pumutok ito sa unang buwan ng 2022.

Ang siste, panay like si Carla sa ilang mga negatibong komento ng netizen sa kaniyang mister na si Tom, na lalong nagbibigay ng palaisipan sa radar ng mga 'Marites'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/27/mga-netizen-nag-react-sa-pag-like-ni-carla-sa-cheater-at-gay-comments-kay-tom/