Matapos ang mga pinag-usapang 'Kape Chronicles', inilabas naman ng 'VinCentiments' ang official trailer para sa panibagong kuwento tungkol kay Len-Len na pinamagatang 'The Exorcism of Len-Len Rose' sa unang araw ng Marso.

"A very scary, not political horror story. COMING SOON," saad sa caption ng official trailer. Tampok ulit dito sina Juliana Parizcova Segovia, Roanna Marie Mercado, at Senadora Imee Marcos, na mukhang kahawig o nakuha ang konsepto sa foreign horror movie na 'The Exorcism of Emily Rose'. Ito ay nasa panulat at direksyon ni Darryl Yap.

Screengrab mula sa FB/VinCentiments

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Screengrab mula sa FB/VinCentiments

Screengrab mula sa FB/VinCentiments

Screengrab mula sa FB/VinCentiments

Wala pang isang araw ay pumalo na kaagad ito sa 781K views, at 84K reactions.

"Hindi ako natatakot kasi hindi ako kinakabahan. Hindi ako kinakabahan kasi meron tayo ng wala sila. Wala sila ng meron tayo," panimulang voice over sa trailer.

Kagaya ng mga naunang parody videos ay umani rin ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Direk naman, sa totoo lang kinilabutan ako. Kaabang-abang 'to."

"Basura na naman. Teka, daming time ni Senadora ah?"

"Nagpe-petition na naman ang mga Kakampinks na patigilin ka na sa paggawa ng LenLen series. Asar na asar na sila."

"Dami namang time ni Senator Imee. Parang di nagtatrabaho.Hahaha."

"Hahaha nagmumukha na po kayong desperada at mas nakakaawa kaysa sa pinariringgan ninyo."

"Ang cute hahahaha can't wait!!!! Super galing!"

"Imagine a candidate running for the highest position in our country, claiming that he cares for the Filipino people and saying that he doesn't believe in negative campaigning, BUT lets his sister do the dirty work for him. Really you would go that low??? How pathetic."

"Ang kulit ni Darryl. Aba in fairness mas nakakatakot itong gawa niya kaysa mga Pinoy scary movies hahahaha."

Ibinahagi rin ni Senadora Imee ang official trailer nito sa kaniyang official Facebook account.

Samantala, tila hindi naman apektado ang direktor sa mga negatibong komento at batikos laban sa kaniya.

"#HAGULGOL," ayon sa kaniyang latest Facebook post.

"baka madehydrate kayo sa kakaiyak nyan, HAHAHA!"

"ang pinakanakakatawa sa lahat— sineSHARE pa talaga sa groupchats ng mga film prods HAHAHA! baka sa EP1 ng THE EXORCISM OF LENLEN ROSE— nagrarally na kayo at prayer vigil. HAHAHA!"

"*anyways, SALAMAT PO SA COMMENT NYO SA LINK NA YAN. lalo na sa mga NAGREREPORT NG PETITION NA ITO—

Hindi “Ako” ang hindi nila kaya, kundi “ang suporta nyo” ♥️?."

"WE ALL DESERVE DEMOCRACY, BUT CLEARLY—THE PEOPLE WHO OVERUSED THE WORD—IS NOT READY FOR IT.

Let’s say this is a technical rehearsal for the Month of May. #TELR."

Sa isa pang Facebook post, "SIMULA MAMAYANG UMAGA, isheSHARE NG VinCentiments ANG LAHAT NG REACTION VIDEOS SA AMING #LENLEN CONTENT. Pagkakitaan nating lahat ang luha ng mga #Pinkons."