Kumakalat at maingay ngayon sa TikTok ang usap-usapan na tagasuporta umano ni presidential candidate at dating senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr., ang dating miyembro ng Street Boys at 'It's Showtime host' host Vhong Navarro, dahil nabigyan ng interpretasyon ang hand gesture niyang 'peace sign', sa video clip na kumakalat sa isang episode ng 'Tawag ng Tanghalan' sa naturang noontime show.

Ang 'peace sign' kasi ay simbolong ginagamit ni BBM simula nang siya ay kumandidato sa pagkapangulo, na siya ring ginamit ng kaniyang amang si dating pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Vhong Navarro (Screengrab mula sa TikTok)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kaya tanong ng mga netizen, kagaya rin ba ni Toni Gonzaga na nakasama niya noon sa 'Wazzup Wazzup' ay maka-cancel din ba si Vhong dahil dito, kung totoo man ito?

Vhong Navarro at Vice Ganda (Screengrab mula sa TikTok)

Batay sa kaniyang TikTok account na may 5.5M followers, Instagram account na may 7M followers, Twitter account na may 6.8M followers, at Facebook account na may 1.5 followers, wala naman siyang nababanggit na isa siyang BBM supporter, o maski na sa iba pang mga presidential candidates.

Wala rin siyang nababanggit sa kaniyang YouTube channel na may 1.63M subscribers.

Hindi rin sila nagbabanggit ng kanilang mga sinusuportahang kandidato sa noontime show. Hindi pa rin siya naiispatan sa kahit na aling campaign rallies ng mga kumakandidato o partido. Wala rin siyang ineendorso habang isinusulat ito.

Sabi ng ilang mga netizen, baka binigyang-kulay lamang daw o bibigyang-malisya ang naturang hand gesture ni Vhong. Sa latest Instagram post ni Vhong ay makikita ang reunion nila ni Kapuso host na si Drew Arellano na naka-peace sign. gaya ni Toni ay nakasama rin ni Vhong si Drew sa Wazzup Wazzup.

Hindi naman inintriga ng mga netizen ang pag-peace sign ng mister ni Iya Villania; sa halip, natuwa sila sa reunion ng dalawa at sinariwa ang Wazzup Wazzup days na napanood noon sa Studio 23 ng ABS-CBN. Gaya ni Vhong, wala ring sinasabi o binabanggit na sinusuportahang kandidato o partido si Drew.

Vhong Navarro at Drew Arellano (Screengrab mula sa IG/Vhong Navarro)

Pero ang isa pa nilang nakasama sa naturang palabas na si Archie Alemania ay deklaradong isang BBM supporter na nagboluntaryo pang mag-host ng mga campaign rallies nito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/24/archie-alemania-mike-hanopol-at-ilang-miyembro-ng-hagibis-suportado-ang-bbm-sara-tandem/

Samantala, wala pang tugon o pahayag si Vhong hinggil sa isyung ito.