Hawak na ng Magnolia ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals matapos talunin ang Meralco Bolts, 88-85, sa Governors' Cup ngPBA Season 46 sa laban nila sa Smart-Araneta Coliseum nitong Miyerkules ng gabi.

Naging sandata ng Magnolia sina Paul Lee at Adrian Wong sa paghabol sa abante ng Meralco, 53-37 sa ikatlong yugto ng laban at nakaabante pa sila sa isang buzzer-beating three-pointer ni Wong, 68-66.

Mula nang makuha ni Magnolia ang kalamangan at sa solidong performance ni Mike Harris na humakot ng 30 puntos, hindi na nahabol pa ng Meralco.

May pagkakataon pa sanang madala ng Meralco sa overtime ang laro, gayunman, sa pagmamadali ni Allein Maliksi na maitira ang tangkang tres ay hindi man lamangtumama ang bola sa rim, 2.3 segundo na lamang ang natitira sa orasan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa pagkakapanalo ng Magnolia, hawak na nila ang kartadang 8-1, panalo-talo, na sinundan ng NLEX, 7-3, panalo-talo at Meralco 6-3, panalo-talo.

“We had that effort pero maganda ‘yung pace ng Meralco. We talked about it at halftime na natalo kami sa pace. Sa third quarter, we adjusted, started Jio (Jalalon) in third quarter, and nakakuha kami ng momentum at energy from Jio, and then we had some runs in the third quarter," ayon kay Magnolia coach Chito Victolero.

“Good thing we executed well on defense especially in the fourth. We also limited their import. Na-disrupt namin ‘yung execution nila," dugtong pa nito.

Nanguna naman sa Bolts sinaTony Bishop, may 19 puntos, at 14 rebounds at Chris Newsome (18 puntos), gayunman, hindi ito sapat upang maisalba sa pagkatalo ang kanilang koponan.