Naitala ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Marso 2, 2022, ang pinakamababang bilang ng bagong COVID-19 cases sa Pinas ngayong taon na umabot lamang sa 866.

Sa DOH case bulletin #718, umabot na sa 3,663,920 ang kaso ng sakit sa bansa.

Sa naturang kabuuang bilang, 1.4% na lamang o 50,827 ang nananatili pang aktibong kaso.

Kabilang dito ang 45,862 na mild cases at 474 na asymptomatic cases.

Nasa 2,776 naman ang moderate cases, 1,417 ang severe cases at 298 ang critical cases.

Karagdagan pang 1,622 pasyente ang gumaling na sa karamdaman kaya umabot na 3,556,589 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.1% ng total cases.

View Post

Nadagdagan din 53 na pasyente ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Sa kabuuan, ang Pilipinas ay mayroon nang 56,504 COVID-19 deaths.