Nasamsam ng mga awtoridad nitong Miyerkules, Marso 2, ang humigit-kumulang P414 milyong halaga ng shabu kasunod ng pagkakaaresto sa isang umano'y big-time na drug trafficker sa Marilao, Bulacan.
Sa ulat, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Jalon Supe Laurete ng Bacoor, Cavite ay nasakote sa Kilometer 23 ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Barangay Lias dakong alas-10 ng umaga.
Matapos ang operasyon, nakumpiska ng mga team mula sa PDEA, Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang 60 kilo ng shabu na nakabalot sa Chinese tea bag, isang Toyota Altis, isang Android cellphone, isang Nokia phone, isang Nokia analog phone at mga identification card mula kay Laurete.
Sinabi ng PDEA na inihahanda na nila ang mga kaso laban kay Laurete para sa paglabag sa Sections 5 (sale of dangerous drugs) at 11 (possession of dangerous drugs of Republic Act (RA) 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang operasyon ay isinagawa ng PDEA Central Luzon, PDEA Intelligence and Investigation Service (IIS), PDEA National Capital Region (NCR), PDEA Special Enforcement Service (SES), Intelligence Service Armed Forces (ISAF), PNP Drug Enforcement Group (PDEG). ), NICA, at Marilao Municipal Police Station (MPS).
Chito Chavez