Sinakyan ng ilang netizens ang #NgiwiChallenge na unang ginawa ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon. Ilang tagasuporta naman ni Presidential aspirant Bongbong Marcos ang umalma at sinabing direktang pang-iinsulto ito sa kandidato.

Unang lumitaw sa kanyang social media noong Pebrero ang bidyo kung saan makikitang ininom ng dating commissioner ang isang brand ng softdrink at sunod na umaktong nangiwi.

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1497382056526893060

Hindi natigil si Guanzon at muling ginawa ang parehong akto sa isang campaign event ng kanyang sinusuportahang P3PWD Partylist sa Colegio de San Juan de Letran.

Larawan mula sa Facebook post ni Guanzon

https://twitter.com/atrl_kwek_kwek/status/1498600098153959426

Nitong Martes, hinikayat pa ng retired commissioner ang kanyang followers sa Facebook na gawin ang #NgiwiChallenge.

“Comment down your #NgiwiPose and use our hashtag #NgiwiSquad #NgiwiChallenge! Yung mananalo may coke in can with mikmik in lieu of Tallano gold! ???” mababasa sa caption ni Guanzon na tila pasaring sa kilalang kwento na nauugnay sa yaman ng mga Marcos.

Ilang netizens naman ang agad na kumasa sa challenge.

Bagaman hindi direktang tinukoy kung ito’y isang pasaring nga kay Marcos Jr., ang naturang challenge ay inalmahan ng ilang tagasuporta ni Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

https://twitter.com/CollinsMigz/status/1498864548639555589

https://twitter.com/AirAngel1004/status/1498846375932723202

Matatandaang sa isang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte, isang kandidato sa pagkapangulo ang umano’y gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, partikular ang cocaine.

Kilalang masugid na kritiko ni Marcos Jr. ang dating commissioner na tinangka pang bumoto pabor sa disqualification case ng kandidatura nito ngunit inabutan ng kanyang pagreretiro. Dahil dito, ilang tagasuporta ng kandidato ang nagsabing isang direktang pasaring ang naturang challenge kay Marcos Jr.

Ilang larawan at bidyo din ang nagkalat sa social media kung saan umano’y makikita ang madalas na pag-ngiwi ng kandidato sa ilang panayam.

Nauna namang sinabi ni Guanzon na “cocaine jaw” ang ginagawang #NgiwiChallenge at hindi nito layong insultuhin ang mga na-stroke.

Gayunpaman, agad namang pinabulaanan ng retired commissioner ang nag-aakusang pasaring ang kanyang challenge sa isang kandidato.

Screengrab mula sa Facebook post ni Guanzon