Pinalagan ni Presidential candidate at Vice President Leni Robredo ang tinawag niyang “trolls” na nagsabing publicity stunt lang kanyang pagtanggal ng sapatos matapos ang isang presidential debate kamakailan.

“Pinagpipiyestahan pala ng trolls yung pag tanggal ko ng sapatos after the debate. PR stunt daw kasi election. Hindi naman yun first time. Kahit walang election, ginagawa ko yan ‘pag sumasakit paa ko,” saad ng Bise Presidente sa isang Facebook post nitong Miyerkules.

Matatandaang isa ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap ang bumatikos kay Robredo kung saan sinabi nitong "all for a show" lang ang pagsusuot ni Robredo ng heels kahit na alam nitong tatagal ng ilang oras ang debate.

Basahin: Daryl Yap, tinawag na ‘all for a show’ ang pagsusuot ng heels ni Robredo sa isang debate – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

National

PBBM sa 'death threats' ni VP Sara sa kaniya: 'Yan ay aking papalagan!'

Naglabas din si Robredo ng resibo kung saan makikita siyang nakapaa. Pagbabahagi ng presidential aspirant, taong 2016 nakuhanan ang larawan, sa pagdiriwang pa rin ng yumaong asawa na si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo.

Larawan ni Leda Badong

“Saka medyo regular po yan nangyayari, hindi lang sa akin, pero sa marami pang mga kababaihan na hindi sanay ng nka heels na matagal,” dagdag na saad ni Robredo.

Hindi rin pinalampas ni Robredo ang mga alegasyon nitong may advance questions siyang natanggap sa naganap na CNN Presidential Debate noong nakaraang Linggo.

Aniya, “Thank you, kahit hindi totoo. Gusto bang sabihin, nagalingan kayo???