Dumagsa ang mga Katoliko sa mga simbahan nitong Miyerkules (Ash Wednesday) upang magpapahid ng abo sa kanilang noo, bilang hudyat ng pagsisimula na ng Kuwaresma.
Matiyagang pumila ang mga mananampalataya upang makadalo sa banal na misa para sa Ash Wednesday at makapagpapahid ng abo sa kanilang noo.
Matatandaang ito ang unang pagkakataon na ibinalik ng Simbahang Katolika ang naturang religious practice na itinigil dalawang taon na ang nakararaan dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa kasagsagan ng pandemya, hindi pinapayagan ang mga pari na lagyan ng abo sa noo ang mga mananampalataya.
Sa halip, binubudburan na lamang ang mga ito ng abo sa ulo bilang bahagi ng pag-iingat laban sa COVID-19.