Matapos ang pa-mensahe niya sa 2nd wedding anniversary nila ng misis na si Sarah Geronimo, nagbigay ulit ng espesyal na mensahe ang mister niyang si Matteo Guidicelli para naman sa 19th year anniversary ng Popstar Royalty sa showbiz industry.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/21/matteo-kay-sarah-through-thick-and-thin-and-all-the-ups-and-downs-we-will-be-partners-for-life/">https://balita.net.ph/2022/02/21/matteo-kay-sarah-through-thick-and-thin-and-all-the-ups-and-downs-we-will-be-partners-for-life/

Sinimula niya ito sa pamamagitan ng 'Dear Wife' na tipikal na pagsisimula sa isang liham o letter, na makikita sa kaniyang Instagram post nitong Marso 1, 2022.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo (Screengrab mula sa IG)

Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo (Screengrab mula sa IG)

"Today marks your 19th year in show-business! Seeing you grow every single day as an artist and as a woman, totally blows my mind."

Labis na ipinagmamalaki ni Matteo ang kaniyang misis sa lahat ng mga na-achieve nito sa kaniyang showbiz career.

"Your passion, dedication, hard work and focus is just on another level. I am very very proud of you! Continue spreading love, happiness and inspiration to the people around the world!!"

"I love you very much,"

"Your husband," ani Matteo.

Matatandaang nagsimulang makilala si Sarah Geronimo nang manalo siya sa singing competion na 'Star For a Night' hosted by Regine Velasquez, na umere noong 2002 sa IBC-13. Runners up naman dito sina Mark Bautista at Maureen Marcelo.

And the rest is history na nga para kay Sarah G dahil matapos ang pagkapanalo ay tinawag na siyang Popstar Princess hanggang sa maging hit ang kaniyang mga album, concerts, dumami ang fandom, hanggang sa pasukin na rin ang pag-arte sa telebisyon at pelikula, gayundin ang hosting sa singing competitions, na gaya niya ay pinagmulan din ng mga nangangarap na sumikat at magkaroon ng spot sa showbiz industry.

Naging judge-coach din siya sa sikat na 'The Voice of the Philippines' sa ABS-CBN.

Kahit nasa showbiz hiatus simula nang ikasal sila ni Matteo ay sikat na sikat pa rin ang singer-actress at hinihintay na lamang ang pagbabalik ng mga nasasabik na tagahanga at tagasubaybay.