Napansin ng Philippine National Police (PNP) ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila at sa parehong mga lugar sa ilalim ng COVID Alert Level 1 status mula nang lumuwag ang mga paghihigpit sa paggalaw ng mga tao noong Martes, Mar. 1.

Ang obserbasyon ay base sa ulat ng mga police commander sa ground na napansin din ang biglaang pagdami ng mga taong lumalabas.

“We are coordinating with the different government agencies and offices to better monitor the traffic flow and assist in the enforcement of traffic rules,” ani PNP chief Dionardo Carlos.

Ngunit ang ikinababahala ng pamunuan ng PNP ay ang hindi naglabas ng bagong executive order ng ilang local government units (LGUs) para sa pagpapatupad ng COVID Alert Level 1 status, kung saan sinabing ang kawalan nito ay maaaring lumikha ng kalituhan para sa mga health safety protocol enforcers at sa publiko.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“All Chiefs of Police concerned must seek guidance from the local chief executives on the enforcement aspect to avoid confusion. Definitely, minimum public health standard like the wearing of face mask is still mandatory in public areas,” sabi ni Carlos

.Sa Metro Manila, mahigit 3,000 indibidwal ang binalaan dahil sa paglabag sa minimum public health standard, at 861 ang pinagmulta noong Marso 1, batay sa local executive order na umiiral sa kanilang mga lugar.

Sinabi ni Carlos na ang mga unit commander sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 ay nagpapatupad ng mga protocol sa pakikipag-ugnayan sa kani-kanilang LGUs.

Aniya, ang mga QCP (Quarantine Control Points) na itinatag sa ilalim ng mas mataas na antas ng alerto ay maaaring i-convert sa law enforcement checkpoint o Comelec checkpoint.

Nasa 6,766 PNP personnel naman ang naka-deploy sa quarantine control points sa buong bansa. Kasabay ito ng mga checkpoint ng Comelec-PNP-AFP (Armed Forces of the Philippines) na nakaposisyon ngayong panahon ng halalan.

Aaron Recuenco