Kaugnay ng International Women's Month sa pagpasok ng Marso, nagbigay ng mensahe para sa kababaihan ang tatlo sa mga babaeng cast members ng 'Mars Ravelo's Darna: The TV Series na sina Iza Calzado, Dawn Chang, at Janella Salvador na mga certified Kakampinks, o tagasuporta ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Sa pamamagitan ng tweet ni Dawn Chang ngayong Marso 2, 2022 ng umaga, gumamit siya ng hashtag na #LetWomenLead kalakip ang litrato nila nina Iza, Janella, at ang production staff ng serye na si Ian Villa na pawang nakasuot ng pink shirt at naka-finger heart. May nakatatak din ang pink shirt na 'Let Women Lead', at nagmula raw kay Atty. Ralph Vincent Calinisan, legal counsel ni Dawn, ang naturang mga damit.

"Women from all over the world, whatever colour, shape, size or beliefs you may have. You are beautiful. #LetWomenLead #InternationalWomensMonth2022. Salamat po Atty. @ralph_calinisan sa suporta para sa #TeamDarna," saad ni Dawn.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Janella Salvador, Ian Villa, Iza Calzado, at Dawn Chang (Screengrab mula sa Twitter/Dawn Chang)

Si Janella ang gaganap na 'Valentina' sa seye, si Dawn naman ay bilang 'Maisha', at si Iza naman ang 'Old Darna' o ang magpapasa ng bato sa bagong Darna na gagampanan ni Jane De Leon.

Noong Pebrero 27 naman, ibinahagi din ni Dawn ang pagsuporta niya at ilang cast at production staff members ng 'Team Darna' kay VP Leni, sa ginanap na CNN Philippines Presidential Debate.

"Supporting our president today and always. #CNNPHPresidentialDebate #LetLeniLead2022. Salamat po Atty.

@ralph_calinisan for our #LetWomenLead shirts," aniya. Naispatan sa kalakip na litrato ang aktor na sina Joshua Colet at Simon Ibarra.

This image has an empty alt attribute; its file name is image-9.png
Screengrab mula sa Twitter/Dawn Chang

Image
Dawn Chang, Simon Ibarra, Josh Colet, at iba pang production staff ng Team Darna (Screengrab mula sa Twitter/Dawn Chang)

Hanggang ngayon ay wala pang pahayag si Dawn o maging ang legal counsel niyang si Atty. Calinisan hinggil sa reklamong balak isampa ng kampo ni Cristy Fermin sa abogado, batay sa panayam kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ng showbiz columnist.