Mahigit sa isang kilo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng₱6,800,000 ang nasamsam sa apat na umano'y big-time drug pusher sa ikinasangjoint anti-illegal drug buy-bust operation sa Muntinlupa City nitong Marso 1.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Maj. Gen. Vicente Danao, Jr. ang mga suspek na sina Jhonray Barendse, Joselito Olong Estay, Emely Dologuin Subrado, at Marcel Iglesias Alawia, pawang taga-Muntinlupa City.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG), NCRPO, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Southern Police District (SPD), Muntinlupa City Police at Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR) ang apat sa National Road, Brgy. Poblacion dakong 10:00 ng gabi.

Nasamsam ng pulisya ang nabanggit na halaga ng droga, iba't ibang ID, dalawang pasaporte, ilang dokumentoat dalawang cellphone.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek na nasa kustodiya na ng PNP-DEG.