AKLAN - Naabo ang 15 na bahay nang masunog ang isang residential area sa Malay nitong Miyerkules ng hapon.
Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Malay, ang insidente ay naganap sa Zone 1, Sitio Batud, Barangay Manoc-Manoc.
Sinabi ng BFP ng isa namang bahay ang bahagyang nasunog kasunod ng umano'y pagsiklab ng kusina ng isa sa naabong residential houses na nirerentahan ng mga tourism workers sa isla.
Tumagal ng ilang oras ang sunog na ikinatupok ng hindi pa matiyak na halaga ng ari-arian.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang madetermina ang sanhi ng insidente.
Nauna nang inanunsyo ng BFP na nagsimula na ang Fire Prevention Month nitong Martes kasabay na rin ng babala nito sa publiko mag-ingat upang makaiwas sa kahalintulad na insidente.
Tara Yap