Matapos makaligtas sa giyera sa Ukraine, tuluyan nang nakauwi sa bansa ang 13 pa ng Pinoy, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Kabilang ang overseas Filipino worker (OFW) na si Cherry Baldoza sa nakauwi sa bansa matapos ang walong taong pagtatrabaho sa Ukraine.
Paglalahad nito, matagal na niyang nais umuwi ng bansa, gayunman, hindi umano ito pinayagan ng kanyang amo.Aniya, nakaalis lamang siya sa kanyang employer matapos mabalitaang hinihikayat na ang mga Pinoy na magtungo sa Philippine Consulate office para sa kanilang repatriation process.
“We were scheduled for a flight to the Philippines at 3 p.m. on February 24 but there was a change of plan because there were already bombings and fighting in the morning,” lahad ni Baldoza.
Kabilang si Baldoza sa 39 na Pinoy na nakatawid sa border ng Ukraine patungong Poland. Pagdating aniya nila sa Poland ay agad silang inasikaso ng mga opisyal ng Pilipinas para sa kanilang repatriation.
“Nagpapasalamat ako sa ating gobyerno dahil ginawa talaga nila 'yung efforts, 'yung best nila. Hindi nila kami pinabayaan,” pagdidiin ni Baldoza.
Ang grupo ni Baldoza ay dumating saNinoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Martes ng gabi.
Nito Pebrero 18, dumating sa bansa ang unang batch na binubuo ng anim na Pinoy mula sa Ukraine.
Ariel Fernandez