Mukhang tuluyan nang tinulungan ng self-proclaimed 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza ang dating miyembro ng Hasht5 na si Marlou Arizala o mas kilala ngayon bilang Xander Ford, ayon sa Facebook post ng social media personality.
Kamakailan kasi ay nauna nang ibinahagi ni Xian na nagpadala ng pribadong mensahe sa kaniya si Xander at humihingi ng raket. Biniro pa ni Xian na ipadadala raw niya sa bansang Ukraine si Xander, na kasalukuyang may digmaan sa pagitan ng Russia.
BASAHIN:
Batay sa tugon ni Marlou/Xander, mukhang hindi siya aware sa mga nagaganap sa naturang bansa kaya pumayag siya sa mungkahi ni Xian, sa pag-aakalang seryoso ito. Sa huli, binawi naman ni Xian ang kaniyang biro kay Xander. Pangako ni Xian na tutulungan niya ito.
At nito ngang Pebrero 27, 2022 ay makikita ang screengrab ng threads ng pag-uusap ng dalawa. Hiningi ni Xian ang GCash number ni Xander at binigyan ito ng paunang bayad na ₱2,500. Kada buwan daw ay sasahod di Xander ng ₱5k sa pagiging Messenger Relations Officer.
Ang magiging trabaho ni Xander ay sumagot sa mga private message na natatanggap ng bago niyang boss sa Messenger, ang messaging app ng Facebook/Meta. 'Naiirita' daw kasi ang lalaking Marites sa mga mensaheng nagpapasabog sa kaniyang Messenger sa tuwing gumigising siya sa umaga.
"Simula ngayon, ikaw na ang makikipag-usap sa kanila in behalf of me. Iignore ko na sila from time to time. Kung may need silang sabihin sa akin, dadaan muna sa iyo," paliwanag ni Xian kay Xander.
Bilin pa ni Xian, hindi sa kaniya mada-direct ang mensahe kundi sa Messenger mismo ni Xander. Agad namang pumayag dito ang kontrobersyal na social media personality na dumaan sa cosmetic surgery.
Pero mukhang sa dulo ay tila hindi naunawaan ni Xander ang ibig sabihin ng MRO.
"Maintenance, Repair, and Oepration," paglilinaw ni Xander.
"MESSENGER RELATIONS OFFICER!" paglilinaw ni Xian.
At batay sa kanilang kumbersasyon ay mukhang sasailalim pa nang husto si Xander sa training para dito.
Marami naman sa mga netizen ang napa-wow. May mga nagtanong pa kung legit ito.
"Yes. Gano'n kabangis. Kumbaga pag-landing ng eroplano, i-check niya muna lahat ng ilalim as aircraft mechanic. Once boarding na yung mga pasahero, magbibihis na siya at aakyat sa cabin as head FA," tugon ni Xian sa comment section.