Nag-enlist bilang bahagi ng territorial army ng kanilang bansa ang sikat na Ukrainian boxer na si Vasyl Lomachenko kasunod ng patuloy na pag-atake at layong pananakop ng Russia sa Ukraine.

Sa ulat ng Daily Mail, ang 34 taong-gulang na weight divisions boxing world champion ay nagbalik sa kanyang home city sa Odessa mula sa kanyang komportableng pamumuhay sa Greece upang maging dagdag na puwersa ng Ukraine military defense.

Si Lomancheko ang ikatlong sikat na boksingero na boluntaryong sasabak para sa Ukraine laban sa opensiba ng Russia. Nauna nang naiulat ang pakikiisa ng kapwa boksingerong sina Wladimir at Vitaly Klitschko sa defense assets ng bansa.

Kinumpirma ng lokal na alkalde ng Odessa ang pakiisa ng boksingero kasunod ng larawang ibinahagi sa Facebook kung saan makikitang suot na ni Lomancheko ang full-gear military uniform.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Samantala, nakaposisyon na ang depensa ng Ukraine matapos ihayag ni Russian President Vladimir Putin nitong Linggo ang paghahanda ng ilang nuclear weapon forces nito.

Sa pinakahuling ulat ng Ukraine health ministry nitong Linggo, tinatayang 352 na mga sibilyan kabilang ang 14 na mga bata ang nasawi mula nang magdeklara ng full-scale war ang Russia laban sa kalapiy na bansa.

Basahin: Ukrainian fan, takot mamatay nang ‘di nalalaman ang wakas ng ‘One Piece’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid